Monday, December 31, 2007

"Kung Ikaw ang nasa Kalagayan Ko"

kung ikaw ang umasa na mahal ka nya
kung ikaw ang naniwalang ikaw lang at wala ng iba
sa kabila ng pag kukulang nya, naniwala ka sa lahat ng sinabi sayo
kinalimutan mo lahat ng mga alibi
sa kabila ng pag babago ng ugali,
tanging inisip mo na lang may pinagdadaanan sya
Pinaniwalaan mo lahat, kahit nagmukha ka ng gaga..
Kung ikaw ang nasa kalagayan ko....

kung ikaw ang nag akala
Sa na sa pangit at magagandang pangyayari sa buhay nya
ikaw lang ang lagi nyang kasama, lagi ikaw karamay nya
akala mo ganun kayo
hanggang dumating ang isang magandang balita
na matagal nyo ng hinihintay
subalit ikaw ang huling taong naalala
nagdiwang na syat lahat, kasama ang mga bagong tao sa buhay nya
masakit pa nun alam na ng iba, ikaw nagmukha kang tanga
bago ka pa man nya maalala, may nagsabi ng iba
akala mo sa lahat kasama ka nya
yun pala sa magagandang bagay kakalimutan ka
dahil iba na ang nais nyang kasama
kung ikaw ang nasa kalagayan ko......

Kung ikaw ako at malaman mo
napalitan ka na pala ng di mo man lang alam
umasa ka't nagmahal
yun pala ang taong mahal mo meron ng iba
kung ikaw ang nasa kalagayan ko
di ka magagalit?
.......sa taong mahal mo at nanloko sayo
........at sa sarili mo
dahil hanggang sa huli mahal mo pa rin sya.....

kung ikaw nasa kalagayn ko siguro maiintindihan mo ako....

No comments: